2 flights ng CebPac kinansela dahil sa sama ng panahon

DAHIL sa nararanasang sama ng panahon, kinansela ng air carrier Cebu Pacific ang dalawang flights sa Manila at Bicol ngayong Miyerkules, Marso 14.

Sa kanilang advisory sa Facebook account, sinabi ng Cebu Pacific na kinansela ang flights ng 5J-519 (Manila papuntang Naga) at 5J-520 (Naga papuntang Manila).

“Affected passengers will be accommodated on the next available flights. You may also rebook within 30 days of cancellation without penalties,” ayon sa advisory.

“We always place top priority in your safety; thank you for your understanding,” base naman sa kanilang Twitter account.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration Miyerkules ng umaga na makararanas ng mga pag-ulan ang Eastern at Southern Luzon.

dagdag pa ng PAGASA na magiging maulap na may kasamang mag-ambon at pag-ulan ang ilan pang parte ng bansa sa hapono kaya’y sa gabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply