2 guro na dinukot sa Iligan City pinakawalan

PINAKAWALAN na ang dalawang guro na dinukot sa Iligan City noong isang linggo.

Sina Keno Sanchez at Rene Sumagang, mga guro ng Limunsudan Bayug Falls Elementary Schools sa Marawi City ay dinukot ng hindi nakilalang grupo.

Ang dalawang guro ay napaulat na pinalaya na walang kapalit na ransom.

Una rito, sa pamamagitan ng iniwang sulat, nabatid ng awtoridad na humihingi ng P4 na milyon ang mga dumukot sa dalawang guro.

Sa kasalukuyan, ay nasa mabuting kalagayan na sina Sanchez at Sumagang.

Sila ay nasa pangangalaga pa ng Marawi City local government at AFP habang ihinahanda ang pag-turn over kay Mayor Lawrence Cruz ng Iligan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply