2 holdaper utas sa engkuwentro sa Maynila

TODAS ang dalawang pinaghihinalaang holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Maynila, kagabi (Marso 15).

Batay sa ulat, limang lalaki ang sumakay sa isang dyip sa United Nations Avenue at nagdeklara ng holdap.

Tiyempo namang may nagpapatrulyang pulis sa Padre Faura, Ermita at napansin ang komosyon sa dyip.

Sunod ay nagkapalitan ng putukan ang awtoridad at mga holdaper.

Napatay ang dalawa, habang nakatakas ang tatlo.

Narekober ng awtoridad ang isang kalibre .38 na baril na may tatlong live bullet at isang sumpak na may mga bala ng 12 gauge shotgun.

Patuloy ang imbestigasyon para madakip ang mga tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply