2 Indon, piloto todas sa bumagsak na helicopter

TATLO ang patay nang bumagsak ang isang helicopter na pag-aari ng Freeport-McMoRan & Gold Inc’s Indonesian unit sa bulubunduking bahagi ng Mimika sa Papua region, Indonesia.

Nabatid na nawalan ng kontak ang 2 Indonesian contract workers at isang piloto mula sa New Zealand sa air control nitong Sabado, Marso 17 ayon sa ulat ng company spokesman. Natagpuan naman ng search and rescue team ang bumagsak na helicopter kaninang umaga lamang.

Ikinakasa na ang masusing imbestigasyon pero ang masamang panahon ang pinaniniwalaang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.

Ang Freeport’s Grasberg mine sa west Papua ang may pinakalamalaking¬† gold reserves at ang second-largest copper mine sa buong mundo.

Pansamantalang nasuspide ang operasyon sa minahan sa mga nagdaang buwan sanhi ng serye ng labour disputes, kabilang ang three-month strike nitong huling bahagi ng 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply