2 kampo ng NPA nakubkob muli ng militar sa N. Samar

NAKUBKOB na naman ang dalawa pang panibagong kampo ng New People’s Army (NPA) ng mga operatiba ng 20th Infantry Battalion sa sa kanilang nagpapatuloy na operasyon sa masukal na bahagi ng Barangay Gebunawan, Lope de Vega, Northern Samar.

Ayon kay Lt. Col. Noel Vestur, commanding officer ng 20th IB, ang kuta ay ilang metro lamang mula sa malaking kampo na una nang nakubkob ng mga sundalo noong nakaraang araw lamang.

Pinaghihinalaang sub-camp ng mga rebelde ang dalawang kampo na kayang pagkasyahin ang humigit kumulang sa 50 katao.

Sa loob lamang ng isang linggo aabot na sa lima kuta ng mga rebelde ang napasakamay ng mga tropa ng pamahalaan kasama na rito ang bomb factory o pagawaan ng bomba at land mine ng NPA sa Paranas, Samar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply