2 Kano na-heat stroke sa Balikatan exercises

HINDI nakayanan ng dalawang Amerikanong sundalo matapos ma-heat stroke habang nagkakasa ng Balikatan joint military exercises sa Palawan kahapon (Linggo, Marso 18).

Kapwa isinugod sa General Artemio Ricarte Hospital ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sanhi ang dalawang sundalo na ang pagkakakilanlan ay hindi ibinunyag pero ang ranggo ay parehong private first class.

Sa kasalukuyan, nakarekober na ang mga biktima na lubos na nagpapasalamat sa kanilang Filipino colleague na nagkasa ng first aid para sa kanila.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2:00 kahapon ng hapon sa isang elementary school sa Barangay Bacungan, Puerto Princesa City.

Bago ito, kasama ang dalawang sundalo sa nagkukumpuni ng eskuwelahan sa nasabing barangay nang biglang mahilo at makaranas ng paninikip ng kanilang dibidb.

Ang pagkukumpuni ng eskuwelahan na bahagi ng civic projects ng dalawang sundalo ay parte ng joint exercises military ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo.

Ang Balikatan ang pinakamalaking pinagsanib na military exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at ng United States Pacific Command.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply