2 kapitan, 14 tripulante inaresto ng PCG

ARESTADO ang dalawang kapitan ng dalawang motorbanca kabilang ang 14 nitong tripulante matapos  makumpiskahan ng 45 drum ng diesel sa karagatang sakop ng Anini-Y, Antique.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Lt. Cmdr. Algier Ricafrente, nakilala ang magkapatid na kapitan na sina Richard at Elvis Galidadis.

Nauna rito, sinagip ng PCG ang dalawang kapitan at 14 na tripulante ng Ferry Boat Mark at Ferry Boat Ramon matapos silang humingi ng tulong sa ahensya.

Nabatid na nasiraan ang dalawang naturang sasakyang pandagat habang patungo sa Carles,Iloilo.

Napansin naman ng coast guard na may lulang 45 drum ng diesel ang nasabing mga ferry boat at nang sitahin ang mga kapitan ay walang maipakitang papeles.

Inilipat din sa kustodiya ng pulisya ang mga kapitan at tripulante nito para sa imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply