Kelot utas, 1 pa sugatan sa pamamaril sa QC

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang kasama nito nang pagbabarilin ng apat na kalalakihan na sakay ng isang van sa Quezon City kaninang madaling araw.

Namatay habang isinusugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Marlon Parami, 23, assistant cook ng isang restaurant.

Sugatan naman kasama ni Parami na si Amelito Aceres, 22. residente ng lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat ni PO2 Julius Cesar Parajas ng Quezon City Police District station 5 Fairview, naganap ang insidente dakong 4:20 ng madaling araw kanina sa may Bloomfield Subdivision, Maligaya Park sa Barangay Pasong Putik, na naturang lungsod.

Batay sa ulat, sakay ng tricycle ang mga biktima at kalalabas lamang sa isang restaurant malapit sa lugar nang tabihan umano sila ng isang kulay silver na van (ZPU-998), sakay ang apat na kalalakihan.

Pagkabukas umano ng bintana ng van ay bigla na lamang umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng baril bago nakitang duguang bumulagta ang dalawang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng naturang krimen at kung sino ang mutak sa likod nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply