2 magkahiwalay na pag-atake sa N. Cotabato: 2 patay, 3 grabe

NASAWI ang isang construction worker at 5-anyos na Muslim habang tatlo ang nasa malubhang kalagayan sa magkahiwalay na pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa Makilala, Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang unang nasawi na Procopio Opeleña na binaril ng village watchman na nakilalang si Roger Binigay, ng Barangay San Vicente, Makilala, North Cotabato, armado ng caliber .38 revolver.

Nagtamo rin ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang kanyang kapatid na si Raymart, 19, at kanyang kapitbahay na si John Mark Lagang, 21, at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Agad namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Samantala, makaraan ang ilang sandali, inatake naman ang isang farming village sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato kung saan nasawi ang 5-anyos na si Amin Abdullah Sangcopan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply