2 magkahiwalay na sunog sa Quezon City naitala

SA simula pa lamang ng Fire Prevention Month ay dalawang sunog na agad ang naganap sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon kay Fire Officer 3 Francisco Mabunga, radio operator ng Bureau of Fire Protection Quezon City (BFP-QC), unang tinupok ng apoy ang isang 2 storey house sa Talayan Street corner Calamba, Bgy. Talayan, Quezon City dakong 10:20 ng kaninang umaga.

Umabot ang sunog sa second alarm at ganap na fire out dakong 10:45 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasugatan sa naturang sunog na kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng napinsala.

Sumunod naman na nasunog ang isang unit house sa MRB Pilot Drive, Bgy. Commonwealth, dakong 11:15 ng umaga kanina.

Sinabi ni FO3 Mabunga, umabot lamang ang sunog sa first alarm at ganap na na-fire out dakong 11:50 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasugatan sa sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply