2 Muslim students inambus sa Cotabato

DALAWANG Muslim student ang inambus ng hindi pa nakikilalang suspek, ikinamatay ng isa habang malubhang ikinasugat ng isa pa sa North Cotabato, iniulat ng pulisya.

Sa report, kinilala ang napatay na si Anwarrudin Usman, habang ang sugatan naman ay su Abdul Patah Haron, kapwa estudyante ng University of Southern Mindanao.

Sa ulat, lulan ng motorsiklo ang mga biktima mula sa Matalam at pagsapit sa Barangay Katidtuan ay sinalubong sila ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa hindi pa nakilalang gunman.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply