2 NPA patay sa engkuwentro sa Masbate

PATAY ang dalawang miyembro ng New People’s Army sa apat na sunud-sunod na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa bayan ng Dimasalang, Masbate kaninang umaga.

Ayon sa spokesman ng Philippine Army na si Major Harold Cabunoc, nagsimula ang pag-atake bago mag-alas-6:00 ng umaga kanina hanggang tanghali.

Ani Cabunoc, kaagad nagpulasan ang mga rebelde at naiwan ang dalawang napatay sa hanay nito.

Ang mga barangay na sunud-sunod na inatake ng NPA ay ang Rizal, Caraga at Cabrera.

Narekober din sa pinangyarihan ng mga engkuwentro ang sampung baril at walong bomba ng mga rebelde.

Tinutugis na ngayon ang mga rebelde sa Masbate, ani Cabunoc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply