2 obrero kritikal sa duwelo sa Las Piñas

TINAPOS sa dahas ng dalawang construction worker ang matagal na nilang alitan sa pamamagitan ng pagdu-duwelo gamit ang patalim na nagresulta sa malubha nilang pagkakasugat sa Las Piñas City kagabi.

Inoobserbahan pa sa Las Piñas District Hospital si Angelo Ofenda, 23, ng Torch Lily St., Equitable Talon IV dahil sa tama ng saksak sa dibdib at tiyan, habang ginamot din sa naturang pagamutan si John Eric Bartolome, 21, ng San Antonio St., Metrocor Homes Talon V na nasaksak naman sa balikat.

Sa report, matagal nang may alitan ang dalawa na nagsimula sa hindi nila pagkakaunawaan sa trabaho bilang construction worker.

Alas-11:30 kagabi nang komprontahin ni Ofenda si Bartolome habang hawak ang patalim nang magkita sa kanto ng Marcos Alvarez Avenue at San Antonio St., Talon V.

Bumunot din ng dalang patalim si Bartolome kaya inundayan na siya ng saksak ng kaaway subalit tumama lamang ito sa kanyang balikat.

Nang gumanti ng saksak si Bartolome, nahagip niya sa sikmura at sinundan pa ng isa sa dibdib si Ofenda na naging dahilan upang duguang mapahandusay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply