2 opisyal ng Pasig police ipinasisibak ng DILG

DALAWANG opisyal ng Pasig City police na hindi muna pinangalanan ang ipinasisibak sa puwesto ni Interior and Local Govenrment Secretary Jesse Robredo na idinadawit sa nabigong pagpatay sa Tribune reporter na si Fernan Angeles.

Bagamat hindi muna pinangalanan ay tahasang sinabi ni Robredo na kasama sa isinasagawang imbestigasyon ang dalawang opisyal ng Pasig City police kung saan isa dito ay ni-relieve na sa kanyang puwesto.

Agad ding nilinis ni Robredo ang pangalan ni dating Eastern Police District Director C/Supt. Francisco Manalo Jr., na unang idinawit ang pangalan sa nasabing insidente.

Kaninang umaga, dumalaw sa tanggapan ni Robredo ang asawa ni Fernan na si Gemma at tiniyak dito ng opisyla na walang mangyayaring whitewash sa kaso at asahan na sa susunod na linggo ay matatapos na ang imbestigasyon.

Magugunitang pinagbabaril si Angeles kamakailan habang bumibili sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply