2 pagsabog sa Cotabato City, 2 sugatan

ISA ang sugatan sa dalawang pagsabog sa Cotabato City kaninang madaling araw, Marso 3.

Naganap ang unang pagsabog bandang alas- 6:30 a.m. sa likod ng isang beauty parlor sa Gutierrez Avenue, Rosary Heights 7 may 100 metro ang layo sa main gate ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Kaugnay nito, natagpuan ng mga rumespundeng awtoridad ang isa pang IED sa likod ng beauty parlor kasama ang 81-mm mortar na may kasamang granada.

Habang naganap naman ang pangalawang pagsabog sa loob ng compound ng ARMM sa harap ng Regional Ports Management Authority.

Nakilala ang nasugatan na si Brando Esmael, 18, residente ng nanturang lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply