2 patay sa lumubog na bangka sa Masbate

NAMATAY ang dalawang pasahero ng isang motorbanca, makaraang lumubog sa karagatan ng San Pascual, Masbate, iniulat ngayon.

Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), pag-aari umano ng isang Vicente Renzales, ang nasabing motorbanca na may sakay na apat na pasahero nang maganap ang insidente.

Ang insidente ay naganap sa karagatan na sakop ng Barangay Busing at Brgy. Boca Chica, San Pascual, Masbate.

Napag-alaman na nakatanggap din ng ulat na isang Jerry ang naka-rescue sa dalawang bata na nakilalang sina James, 10 at Aslor, 7-taong gulang.

Narekober naman ang bangkay ng dalawang namatay na nakilalang sina Vicente Renzales, 55 at Delia Renzales, 54, pawang mga residente ng Sitio Tinago, Brgy. Busing at Brgy. Boca Chica, San Pascual Masbate.

Ayon sa isang survivors, patungo umano ang mga ito sa San Francisco Masbate mula Sitio K-brada, Brgy. Busing sakay ng motorbanca nang makasagupa ng malakas na alon hanggang sa lumubog ang kanilang sinasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply