2 Pinay magkasunod na nagpakamatay sa HK

DALAWANG Filipina ang naitalang magkasunod na nagpakamatay Hong Kong makaraang tumalon sa gusali na kanilang tinutuluyan.

Kinilala ang dalawang Pinay na sina Aimee Sy, 46 at Cherre Mae Genova, 31, kinumpirma ng awtoridad sa Hong Kong na kapwa Filipina at parehong nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali.

Sa ulat ng Hong Kong police, natagpuang nakahandusaya ang bangkay ni Genova sa 19 Bonham Road, Western District noong Marso 2 matapos na tumalon sa gusali.

Kinabukasan, Marso 3, iniulat naman ng security guard ang pagkakadiskubre sa bangkay ni Sy na duguang nakahandusay sa Tak Hong St. Hung Hom matapos tumalon din sa isang gusali.

Napag-alaman na isinantabi na ng awtoridad sa Hong Kong ang posibleng pagkakaroon ng foul play sa magkasunod na pagkamatay ng dalawang Pinay makaraang tiyakin na nagpakamatay nga ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply