2 Pinoy boxer wagi sa Japan bout

NANALO si hard-hitting Pinoy boxer Wars “Katsumata” Parenas matapos i-knock out si Japanese opponent Tomoya Kaneshiro sa kanilang bakbakan sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Hindi umano naging madali para kay Katsumata ang panalo dahil si Kaneshiro ay nakipagsabayan ng malalakas na sapak laban sa Pinoy boxer na tubong Cadiz, Negros Occidental.

Ilang accidental headbutts naman ang naitala ngunit hindi ito naging hadlang kay Katsumata para sikwatin ang panalo.

Samantala, ang isa pang Filipino boxing veteran na si Jonathan Baat na nakabase sa Japan ay nagtala ng points victory laban kay Yuta Uetani (12-4-1, 4KOs) ng Osaka.

Si Baat (20-3-3, 10KOs) ng Davao City ay ginamit ang magandang kondisyon ng katawan at karanasan para talunin ang kalaban.

Kung nanalo naman sina Katsumata at Baat, hindi naman nakiayon ang kapalaran kay Cebuano southpaw Boy Dondee Pumar (9-3-3, 3KOs) ng Lapu Lapu City matapos itong gibain sa pamamagitan ng puntos ni Kentaro Masuda (14-5, 8KOs) ng Kagoshima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply