2 Pinoy sa death row sa China iaapela ng DFA

SINISIKAP na iapela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa korte ng China na maibaba sa life sentence ang hatol na kamatayan na iginawad sa dalawang Filipino dahil sa drug trafficking.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, inatasan na nila ang Philippine Consulate General sa Shanghai na tutukan ang kaso at tulungan ang dalawang Pinoy na nahatulan sa Hangzhou People’s Intermediate Court matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong drug trafficking nang magtangkang ipasok ang 12 kilong heroin sa Hangzhou International Airport noong Enero 25, 2011.

Sinasabing pumasok ang dalawang Pinoy sa China mula Dubai via Hong Kong dala-dala sa bagahe ang nasabing droga.

Ang lalaking akusado ay binigyan ng korte ng dalawang taong reprieve habang ang Pinay ay hinatulan ng bitay na walang reprieve.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply