2 pumatay pa sa bilas ng Isabela mayor tiklo

NAARESTO ng mga tauhan ng Pasay police ang dalawang suspek sa pagpaslang at pagtangay sa kotse sa bilas ng alkalde ng Isabela nang tangkaing katayin ang piyesa ng sasakyan nito sa Pasay City kaninang umaga.

Nabatid na naibenta na nina Vincent Alvarez, 31, security guard, ng 60 Plaridel Heights Subdivision, Santiago City, Isabela at Arman Morales, 31 ng Purok 1 Libertad, Echague, Isabela ang stereo ng Toyota Altis Sedan (ZCN-478) sa isang jeepney driver at tinatanggal na ang mga gulong nang sitahin ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Pasay police sa kanto ng E. Rodriguez at Roxas Boulevard dakong alas-7 ng umaga.

Nakumpiska sa mga suspek ang lisensiya at certificate of registration ng naturang kotse na nakapangalan sa isang Joseph Henry Talampas, napag-alamang pinaslang matapos pagnakawan at tangayin ang kotse noong Marso 27 sa St. James Subdivision, Barangay Balai, Santiago City.

Naberipika naman ng mga tauhan ni Pasay Police chief Sr. Supt. Melchor Reyes na nakaw ang kotseng kinakatay ng dalawa matapos matanggap ang flash alarm mula sa Santiago City Police Office kaugnay sa nangyaring pagnanakaw, pagpatay at pagtangay sa kotse ng biktimang si Talampas, bilas ng alkalde ng Santiago City.

Sa interogasyon, ikinanta ng dalawa ang tatlo pa nilang kasabwat sa krimen na sina Cris Art Gaffud, Ronald Meneses at Julius Mendez na napag-alaman na nadakip na rin ng pulisya sa Isabela.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply