2 rape-slay suspect utas sa boga

TODAS ang dalawang suspek sa panggagahasa ng isang 7-anyos na batang babae sa Sta. Mesa, Maynila, matapos na mang-agaw ng baril sa awtoridad kagabi (Marso 13).

Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang suspek na si Cecilio Bacolo, alyas Junjun na nabaril sa dibdib, habang binawian naman ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) si Roderick Soliveros, alyas Mulong na nabaril sa ulo.

Ang dalawa ay nakapiit sa Manila Police District (MPD) matapos na aminin ang pangagahasa sa bata.

Bandang alas-10:00 kagabi (Marso 13) ay nakakuha ng tiyempo ang dalawa at naagaw ang baril ng bantay na si P01 Ramil Dimaguiba ng homicide section.

Nakalaban si Dimaguiba kaya’t pinaputukan siya ni Mulong na siyang nakaagaw ng baril, ngunit si Junjun ang tinamaan.

Agad namang nabaril ni P03 Rodel Benitez si Mulong na tumulong kay Dimaguiba.

Iniimbestigahan pa rin ng Scene of the Crime Operatives ang naturang insidente

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply