2 rebelde utas sa bakbakan sa Cotabato

TODAS ang dalawang rebelde, habang dalawang militar naman ang nasugatan sa naganap na engkuwentro ng magkabilang panig sa Kidapawan, Cotabato kaninang alas-9:45 ng umaga.

Ang mga nasugatang biktima ay kinilalang sina Corporal Dexir Salave at Pfc Alfie Jay Bancolo, ginagamot pa sa Camp Siongco Hospital.

Sa imbestigasyon, nagpapatrolya ang mga tauhan ng 62 Division Reconnaissance Company (DRC) ng Philippine Army sa Barangay Buhay, Makilala, North Cotabato nang makabakbakan ang may 15 miyembro ng NPA sa ilalim ng Front Committee 53.

Sa kalahating oras na palitan ng putok ay tumimbuwang ang dalawang rebelde na agad binitbit ng kanilang mga kasamahan habang papatakas sa lugar.

Nakuha sa lugar ng insidente ang tig-isang landmine, granada at improvised explosive device, 20 meters detonating cord, M16 hand guard, bala ng 40 mm, sako ng bigas at isang pares ng civilian boots.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply