2 rebelde utas sa bakbakan sa Masbate

DALAWANG rebelde ang kumpirmadong napatay nang makasagupa ng grupo ng sundalo sa Masbate kanina.

Nabatid na apat na engkwentro ang naitala sa mga bayan ng Baleno, Uson, Dimasalang at Palanas ngayong araw lamang,  na unang nangyari ang bakbakan sa Bgy. Rizal, Dimasalang kung saan 15 rebelde ang nakasugapa ng 9th Infantry Batallion (IB) na tumagal ng 20 minuto.

Dito napaslang ang hindi pa nakikilalang rebelde.

Patay naman ang isa pang NPA sa Barangay Cagara, Baleno nang makaengkuwentro ang grupo ni 1Lt Richard F Caspillo, ilang oras lamang ang pagitan sa ikalawang sagupaan.

Wala namang naiulat na nasugatan sa tropa ng pamahalaan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply