2 sa 5 suspek sa pagpatay sa tabloid reporter tiklo

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang dalawa sa limang suspek sa pagpatay sa tabloid reporter sa Antipolo City kahapon (Marso 30) ng madaling araw.

Ikinasa pa ang pagtugis kaninang umaga para sa tatlong iba pa kabilang ang dalawang kabataan hinggil sa pagpatay sa biktimang si Edwin Perez, reporter ng People’s Balita.

Isa lamang sa mga nadakip na suspek ang pinangalanan at ito ay si Benedicto Leco, 18-anyos habang ang isa naman ay hindi ibinunyag ang pangalan dahil 17-anyos pa lamang.

Nananatiling hindi pa nahuhulli ang isang nagngangalang Jerry at dalawa pang menor de edad.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakatulog si Perez sa isang panadero sa Barangay Inarawan sa Antipolo City habang nagpapatila ng malakas na ulan nitong Biyernes ng madaling araw.

Lingid sa biktima, naispatan pala siya ng limang suspek at nakursunadahang tangayin ang susi ng motorsiklo at ang pitaka ni Perez.

Pero habang dinudukot ang susi at pitatak, nagising si Perez at nanlaban pero pinagtulungan siyang bugbugin bago pinagsasasaksak ng mga suspek at saka tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply