2 sakay ng motorsiklo utas sa killer bus

PATAY ang dalawang lalaki matapos araruhin ng bus ang kanilang sinakyang motorsiklo sa Brgy. Centro Uno, Claveria, Cagayan.

Sa panayam ng kay P/ S.Insp. Alex Delos Santos, hepe ng Claveria Police, ang mga biktima ay sina Dennis Agustin, 21, at Carmelo Anthony Baquiring, 28, kapwa ng Brgy. Mabnang, Claveria.

Napag-alaman kay Delos Santos na unang pinara ng mga kagawad ng Land Transportation Office (LTO) na nagsasagawa ng checkpoint sa Brgy. Centro Uno ang mga biktima dahil sa kawalan ng mga subalit sa halip na huminto ay pinaharurot ng

mga ito ang kanilang motorsiklo para makaiwas.

Hanggang sa salpukin ng GMW bus na galing sa Ilocos na minamaneho ni Erickson Louis, 32, ng San Antonio, Claveria ang kanilang motorsiklo, 200 metro ang layo mula sa pinagpostehan ng mga LTO.

Ayon sa chief of police, pumailalim pa ang mga biktima sa lakas ng impact ng kanilang pagkabangga kung kaya nagtamo ang mga ito ng matitinding sugat sa katawan na sanhi ng kanilang kamatayan.

Galing sa bahay painuman ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Samantala, nakahanda naman ang may-ari ng bus company na magbayad sa pamilya ng mga biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply