2 sundalo todas sa landmine explosion

DALAWANG sundalo ang napatay matapos sumabog ang itinanim na landmine ng New People’s Army (NPA) sa liblib na lugar ng Brgy. Buhay, Makilala, North Cotabato kaninang umaga.

Sa report na ibinahagi ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto, namatay sa landmine ang mga sundalo na may mga apelyido lamang na Pfc Alejandro at Pfc Musa; pawang dead on the spot sa insidente.

Bandang alas-10:10  ng umaga kanina habang nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng 40th Infantry Battalion (IB) sa nasabing lugar nang mangyari ang pagsabog  ng landmine.

Ang clearing operation ay isinagawa kasunod ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng may 50 rebeldeng NPA sa nasabing lugar kamakalawa na ikinasugat ni  Pfc Alfie Jay Bantulo na patuloy na nilalapatan ng lunas sa military station hospital.

Tinukoy naman ni Asto ang grupo ng mga rebeldeng sangkot sa pagtatanim ng patibong na landmine na isang alyas Ka Budong ng Guerilla Front 51, Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.

Narekober naman sa lugar ang isang landmine, isang hand grenade, isang improvised explosive device, 20 metro ng detonating cord, mga bala ng 40 MM, grenade launcher, isang sako ng bigas at iba pa habang nagkalat rin sa lugar ang mga bakas ng dugo ng mga kalaban na indikasyong nalagasan din ang mga ito.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebeldeng komunista na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa lalawigan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply