2 suspek sa pamamaril sa graduating student nadakip

NADAKIP na ang dalawang holdaper na bumaril at nakapatay sa graduating high school student na si Rowell Cruz sa Taguig City kagabi (Marso 22).

Ang mga suspek na sina Arnold Tagalog at Bobby Babago ay positibong itinuro ng pinaghiraman nila ng motorsiklo, na kanilang ginamit na getaway vehicle.

Matatandaang ilang ulit na binaril ang 15-anyos na si Cruz nang tumangging ibigay ang kanyang portable Playstation (PSP) at cellphone sa nangholdap sa kanya.

Si Cruz ay isang graduating student sa Signal Village National High School sa nasabing lungsod, at pararangalan sana bilang isa sa mga natatanging mag-aaral sa kanilang paaralan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply