2 timbog sa 150 kapsula ng cocaine

DALAWANG kalalakihan ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng 150 piraso ng kapsula ng cocaine sa isinasagawang buy-bust operation sa Pasig City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr ang mga nahuling suspek na sina Mark Troid E. Soto, 28 anyos at Mervin D. Velasco, 31-anyos, kapwa residente ng Barangay Caniogan, Pasig City.

Ang dalawang suspek ay naaresto ng mga elemento ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) matapos magbenta ng capsulized cocaine sa isang undercover PDEA agent na isinagawa sa harapan ng isang pizza parlor sa kahabaan ng  C. Raymundo Avenue, Pasig City

Ang mga nakumpiskang cocaine capsules ay may kabuuang bigat na 82.7269 na gramo, na nakalagay sa tatlong resealable heat-sealed plastic sachets.

Nakumpiska rin sa dalawa ang isang mobile phone at kulay pulang Kawasaki Rouser motorcycle na may plakang “FOR REGISTRATION.”

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o anti-drug law habang nakapiit sa PDEA custodial facility sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply