20 kabahayan naabo sa Maynila

TINUPOK ng apoy ang may 20 kabahayan sa sunog na naganap sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa isang three-storey residential apartment sa kahabaan ng Barrio Roxas Street Tondo, Maynila na pag-aari ng isang Cristy Garma dahil sa napabayaang kandila.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Pito katao naman ang naiulat na nasugatan kabilang ang dalawang menor de edad.

Tinatayang nasa P1 milyon ang iniwang pinsala ng nasabing sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply