200 preso sa Palawan nagsagawa ng noise barrage

NAGSAGAWA ng noise barrage ang mahigit 200 preso sa Palawan City Jail.

Nabatid na nagtipun-tipon ang mga bilanggo sa annex ng city jail bitbit ang mga placard na nagsimula pa kaninang ala-1:00 ng madaling araw, Marso 19.

Ipinoprotesta ng mga preso ang umano’y paghihigpit sa mga selda at hinihiling din nilang makausap si Palawan Governor Abraham Khalil Mitra.

Kasalukuyang nagsasagawa naman ng pagpupulong ang mga opisyal ng city jail sa mga lider ng inmates.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply