2012 Bar Exam may ilang pagbabago

SA GAGANAPING 2012 Bar Examination na itinakda sa University of Sto.Tomas (UST) ay nagpatupad ng ilang pagbabago ang Supreme Court.

Nabatid na mula Nobyembre ay napaaga na ito at inilipat sa Oktubre.

Binago na rin ang format at isinama na ang traditional essay type sa multiple choice.

Batay sa en banc (full court) session, gaganapin ang bar exam sa apat na sunud-sunod na Linggo ng Oktubre ngayong taon.

Maliban dito, ang pito sa walong subject ay 60% multiple choice questions at 40% essay.

Bawat linggong pagsusulit ay magtatakda rin ng dalawang subject.

Itinakda naman sa umaga ang huling linggo ng pagsusulit sa Legal Ethics na may 50 tanong at sa hapon naman gaganapin ang memorandum writing.

Ayon kay 2012 Bar Examination Committee Chairman Associate Justice Martin Villarama, ang memorandum writing ay tungkol sa civil o criminal action.

Sinabi rin Justice Villarama na matapos ang examination sa bawat subject ay maaaring iuwi ng mga examinee sa kanilang bahay ang questionnaires.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply