2012 Innova ang ‘sosyal’ na Innova

ILANG buwan matapos ilunsad ng Toyota ang bagong Fortuner at Hilux, ngayon naman ay kanilang ipinakilala ang pinakabagong Innova sa pamamagitan ng isang grand island getaway treat sa ilang miyembro ng media.

Ang party island ng Pilipinas na Boracay ay naging saksi sa pagpasinaya ng latest model ng best-selling commercial vehicle sa bansa noong nakaraang Pebrero 23. Puspusan ang naging paghahanda ng Toyota Motors Philippines sa launching na ito sapagkat ang Innova ay ang kanilang pinakamabentang sasakyan simula noong 2005.

Ang bagong Innova ay maihahanay na sa ibang luxury models ng Toyota, gaya ng Camry. Halos kamukha na ito ng Camry kung titignan sa harapn dahil sa bagong disenyo ng headlamps, grille, at bumper nito. Ang Innova G at Innova V variants ay mayroong automatic climate control system habang ang sa variant E at J naman ay manual.

Wala naman masyadong binago sa makinang ginagamit sa Innova. Andiyan parin ang 102 horsepower 2.5L D-4D turbodiesel na makina, o di kaya ang de-gasolinang 136 horsepower 2.0L VVT-i, na available sa lahat ng variant.

Ang pinakamurang Innova variant ay nagkakahalaga ng PhP813,000 (Innova 2.0 J Gas M/T) at ang pinakamahal naman ay nagkakahalaga ng PhP1,220,000 (Innova 2.5 V Diesel A/T).

Ang 2012 Toyota Innova ay mabibili sa mga sumusunod na kulay: in Light Blue Metallic, Red Mica Metallic at White Pearl.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Toyots Motors Philippines website na www.toyota.com.ph o ‘di kya’y magsadaya sa pinakamalapit na Toyota dealer sa inyong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply