2,087 HIV carrier kinakanlong ng DoH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nitong Enero 2012 pa lamang ay aabot na sa 2,087 mula sa 8,576 indibidwal na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) infection ang kanilang binibigyan ng libreng suplay ng anti-retroviral treatment (ART).

Kaagad namang tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat upang mabigyan ng libreng gamot ang HIV patients sa bansa.

Kasabay nito, nilinaw din ni Gerard Belimac, program manager ng DOH-National AIDS/Sexuality Transmitted Infection, na hindi naman lahat ng pasyente na may HIV ay nangangailangan ng ART, dahil depende aniya ito sa tindi ng impeksiyong tumama sa kanila.

Kabilang ang tuberculosis at iba pang pulmonary diseases sa mga tinatawag na “opportunistic infections” na tumatama sa isang pasyente na mayroong HIV.

Hinikayat din ng DOH ang mga HIV-infected individuals na regular na magtungo sa mga ospital kada anim na buwan upang masusing ma-monitor ang kanilang kalagayan.

Ang mga pasyente na sumasailalim sa ART ay kinakailangan ang nasabing medikasyon habambuhay.

Binibigyan sila ng dalawang tableta ng gamot bawat araw, na nagkakahalaga ng mula P1,500 hanggang P3,000 kada buwan.

Kabilang sa mga pagamutan kung saan available ang mga nasabing gamot para sa HIV ay sa Baguio General Hospital and Medical Center, Ilocos Training and Regional Medical Center, Cagayan Valley Medical Center, Jose B. Lingad Medical Center, San Lazaro Hospital, Philippine General Hospital, Research Institute for Tropical Medicine, Makati Medical Center, The Medical City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Western Visayas Medical Center, Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, Zamboanga City Medical Center, at Southern Philippines Medical Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply