2,087 HIV carrier sumasailalim na sa therapy

SUMASAILALIM na sa tinatawag na anti-retroviral therapy (ART) ang may kabuuang 2,087 na Filipino na pawang nagtataglay ng human immunodeficiency virus (HIV).

Ayon kay LPG-MA Partylist Rep. Arnel Ty, hindi kabilang sa mga ito ang mga namatay, nakalabas na ng bansa at mga nagdesisyong itigil na ang pagpapa-therapy.

Ang pahayag ni Ty ay kasunod ng pagbubunyag ng Department of Health-National Epidemiology Center na mayroong 212 na panibagong biktima ng HIV nitong January lamang.

Ito ay nangangahulugan ng panibagong pagtaas na 39 porsiyento mula sa 156 noong 2011.

Bagama’t aminado si TY na walang kagalingan ang sinumang pasyenteng may HIV na siyang sanhi ng AIDS, o Acquired Immune Deficiency Syndrome ay napapabagal naman ng therapy ang kamatayan ng isang biktima.

“The standard ART consists of the combination of at least three antiretroviral drugs to maximally suppress the HIV and stop the progression of the disease,” banggit pa ni Ty batay na rin sa pahayag ng World Health Organization (WHO).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply