21 pulis sa Davao Death Squad pinagmulta

PINAGMULTA ng halos katumbas ng isang buwan nilang sahod ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang 21 opisyal ng pulisya na itinuturo na may kaugnayan sa naganap na pagpatay sa Davao City o ang Davao Death Squad.

Ang mga pinarusahan sa reklamong simple neglect of duty ay P/SSUPT Catalino Cuy; P/SSUPT Jaime Morente; P/CINSP Matthew Baccay; P0/CINSP Filmore Escobal; P/CINSP Leandro Felonia; P/CINSP Marvin Manuel Pepino; P/CINSP Ranulfo Cabanog; P/CINSP Vicente Danao; P/SUPT Harry Espela; P/SUPT Michael John Dubria; P/SUPT Rommil Mitra; P/SINSP Maximiano Atuel at P/SINSP Arnulfo Mahinay, pawang ng Davao City Police Office at sina P/CINSP Alden Delvo; P/INSP Rolly Tropico; P/INSP Dionisio Abude; P/SINSP Antonio Alberio Jr; P/CINSP Juel Neil Salcedo; P/CINSP Joselito Loriza; P/CINSP Joel Neil Rojo at P/CINSP Napoleon Eguia.

Nag-ugat ang reklamo sa mga opisyal sa letter-complaint sa ombudsman na ipinadala ng nagpapakilalang kinatawan ng Davao City Deserves Good Government Movement.

Sa nasabing reklamo, isang grupo aniya na kilala bilang Davao Death Squad ang responsable sa unsolved killings ng mahigit walong daang mga tao sa kanilang lugar.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply