23 patay sa dengue– DOH

UMABOT na sa 23 ang naitalang namatay sa dengue, ayon sa buwanang surveillance ng Department of Health (DOH)

Base sa report ng DOH nakapagtala ng 4,753 kaso ng dengue sa iba’t ibang ospital sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 4, 2012.

Gayunman, ang kaso ay mas mababa ng 60.54 porsiyento kumpara sa kaparehong buwan noong 2011 na nakapagtala ng 12,044 kaso.

Ayon sa DOH, karamihan ang naitalang kaso mula sa Region III (1,572 kaso o 33.07 % na kabuuan ng biktima), National Capital Region (1,018 or21.42 % ) at Region IV-A (779 o 16.39 %) na nasa edad na 11 hanggang 20.

Karamihan naman sa mga nasawi sa kaso ng dengue ay mula sa  Regions II (Cagayan Valley), VI (Western Visayas) at  Region VIII (CARAGA).

Pangunahing dahilan umano ng pagkakaroon ng naturang sakit ay dahil na rin sa mga pagbaha dulot ng mga nagdaang pag-ulan at bagyo.

Dagdag pa ng kagawaran na ang Metro Manila tulad ng Kalookan, Maynila at Quezon City ang may pinakamataas na naitalang kaso ng naturang sakit.

Dahil dito, patuloy ang pagpapaalala ng DOH sa publiko na panatilihin na malinis ang kanilang kapaligiran lalo sa mga posibleng pamugaran ng lamok na may dalang dengue gaya ng basyong bote, gulong, plurera at iba pa.

Dapat na agad na komunsulta sa doktor kapag nakaramdam ng simtomas ng dengue tulad ng pabalik-balik na lagnat sa loob ng pitong araw, pagsusuka, pananakit ng tiyan, panghihina, pagdurugo ng ilong at kilagid, at pagkakaroon ng pulang spots pa sa iba’t ibang bahagi ng katawan lalo na ang mga naka-expose.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply