24 Pinoy seafarers nasagip sa sumabog na tanker

NASAGIP ng US Navy forces ang may 24 na Filipino seafarer matapos sumabog ang Liberian-flagged chemical tanker na kanilang pinagtatrabahuhan habang naglalayag sa Arabian Gulf.

Ayon sa news release ng US Navy, ang barkong Stolt Valor ay nagpadala ng distress  call noong sila ay nasa Farsi Island, Iran.

Kinumpirma umano ng kapitan ng barko na isa sa crew member ng naturang barko ang namatay sa pagsabog.

Nasa mabuting kalagayan naman ang 24 na Pinoy seafarers at hindi na kailangan pa ng medical assistance.

Gayunman, hindi pa kumpirmado kung Pinoy ang naiulat na namatay sa pagsabog.

Ayon pa sa ulat, ang itinalagang Combined Maritime Forces Commander Task Force 152 ng John Paul Jones ang rumesponde sa Stolt Valor.

Inilipat na rin ang 24 survivors mula sa John Paul Jones sa Baranof para sa repatriation ng mga ito sa Manama, Bahrain.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply