25 maglalayag nasagip sa nasunog na barko

DALAWAMPUT LIMANG pasahero ng nasusunog na ferryboat ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batangas kaninang umaga sa ulat ng Office of Civil Defense.

Base sa report na isinumite ni Philippine Coast Guard spokesman Lieutenant Commander Algier Ricafrente sa OCD, nakatanggap aniya sila ng distress call mula sa kapitan ng MV Cebu Ferry 1, bandang  alas-9:15 ng umaga kanina.

Kaagad namang nagdeploy ng dalawang vessel ang Coast Guard-Batangas para mailigtas ang mga pasahero.

Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng insidente.

Napag-alaman na patungo sana ng Caticlan sa Aklan ang barko nang mangyari ang sunog sa Matuko Point, malapit sa Isla Verde.

Inaalam din kung may mga dayuhang pasahero ang barko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply