290 tsuper dakip sa traffic violations sa NAIA

UMABOT sa 290 tsuper ang hinuli sa bisinidad ng apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi sa paglabag ng batas trapiko, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) kanina.

Pito sa mga nahuling tsuper ay dinala sa Pasay City prosecutor’s office para patawan ng iba’t ibang paglabag sa batas trapiko.

Ang pito ay nakilala lamang sa mga pangalang R.I. Algaba, paggamit ng fictitious name; J. Tabuso, falsification; R. Guerrero, reckless driving/walang driver’s license; D. Lavitena, grave threat/unjust vexation; E. Locquiao, illegal possession of firearm; D. Trejeros, grave coercion.

Ang nasabing operasyon ay base sa implementasyon ng “Oplan Kuratong” na sinimulan ng MIAA, Airport Police Department, at sa pakikipag-koordinasyon ng Land Transportation Office at ng Metro Manila Development Authority noong Pebrero 20 taong kasalukuyan.

Ang Oplan Kuratong anila ay magpapatuloy hanggang Marso.

Nabatid mula sa tanggapan ni MIAA general manager Jose Angel Honrado na hindi lamang mga driver ng airport accredited public transport ang sumailalim sa Oplan Kuratong, maging yung mga taxi na naghahatid ng mga pasahero sa apat na terminal ng NAIA ay nasorpresa sa naturang operasyon ng tatlong ahensiya ng gobyerno.

Sa dami ng reklamong galing sa mga pasaheo na natanggap ng MIAA laban sa mga abusadong tsuper kaya isinagawa ang Oplan Kuratong.

“We receive numerous complaints from the passengers and other commuters relating to overcharging, extortion, contracting passengers, tampered meter or commonly known as “batingting” and other abusive acts perpetrated by enterprising taxi drivers against them,” anang statement ni Honrado.

Napag-alaman pa na ang sumusunod na traffic violations ng mga nahuling tsuper ay: illegal transfer of license plate, improvised license plate, no driver’s license/expired driver’s license, colorum operations, reckless driving, contracting/overcharging passenger, disregarding traffic sign/officer, flagged up meter, broken window, headlight, tail light, seat belt law, illegal parking, obstruction, not carrying OR/CR/CPC, no helmet (motorcycle) at iba pang violations na katulad ng dress code (no uniform, wearing shorts, slippers).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply