2nd most wanted ng Camanava nadakip

NADAKMA na ang itinuturing na Second most wanted ng Camanava matapos salakayin ng pulisya ang bahay nito sa Navotas noong kagabi (Huwebes, Marso 15).

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Cruz Sr., 54, residente ng Domingo St., Tangos ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng tip ang mga pulis na umuwi sa kanilang bahay ang suspek na naging dahilan upang salakayin dakong alas-6:00 ng gabi.

Hindi na nakapalag si Cruz nang ihain ang arrest warrant na ipinalabas ni Judge Leonardo Leonida ng RTC Branch 74 dahil sa kasong murder.

Nabatid na si Cruz ang itinuturing na 2nd most wanted ng CAMANAVA area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply