3 bagets na tirador ng taxi drivers, arestado

NATAPOS na ang pamamayagpag sa panghoholdap ng tatlong bagets na tirador ng taxi driver matapos makuwelyuhan ng awtoridad sa Quezon City.

Sa kabila nito, payo pa rin ng Quezon City Police District (QCPD) na manatili pa ring bigilante o mapagmatyag ang publiko sa kabila ng pag-aresto sa mga suspect na sina John Eldryk Gallego, Jaymar Gabito, at Bermar Guinto, na pawang miyembro ng Guinto robbery hold-up group na bumibiktima sa mga taxi driver.

Ayon sa biktima na si Alain Esguerra, pinara siya ng mga suspek sa Kaingin Road sa Barangay Apolonia Samson nitong kagabi (Marso 8) at nagpahatid sa isang paaralan na malapit sa pinagsakayan nila.

Pagsapit sa lugar, tinutukan siya ng mga suspek bago nagdeklara ng panghoholdap at saka tinangay ang kanyang kita sa pagmamaneho na P4,000.

Pinalad naman si Esguerra dahil may nakapansin na nagpapatrulyang mga pulis sa komosyon kaya nahuli sina Guinto at Gallego pero nakatakas si Gabito. Sa ikinasang follow-up operation, nahuli rin ito.

Naniniwala naman ang QCPD, na malaking sindikato ang nasa likod ng robbery group at ang ginagamit ay mga menor de edad.

Nag-ooperasyon ang mga suspek na may pitong iba pang kaso ng panghoholdap sa Quezon City lamang.

“Meron silang specific lugar na tinatambayan which is Kaingin. Minsan sasakay sila sa Project 6. So short distances lang,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply