3 bata natusta sa sunog sa Pasay City

NATUSTA ang tatlong bata sa naganap na sunog kagabi sa Pasay City.

Kinilala ni SPO3 Rolando Frades ang mga magpipinsang Alberca na sina John Angelo, John Jacob  kapwa 2-anyos at Cris Yumie, 3-anyos.

Sa imbestigasyon, ang sunog ay nagsimula 11:30 ng gabi sa bahay ng pamilya Alberca nang maiwanan ang nakasinding kandila sa loob ng kanilang bahay sa squatters area sa 2297 Brgy. 13 Zone 4 FB Harrison, nabanggit na lungsod.

Ang apoy ay mabilis na kumalat sa katabing bahay na pawang gawa sa kahoy at nadamay ang may 100 bahay, na nakapinsala sa humigit kumulang 150 pamilya.

Hindi nakalabas ng bahay habang natutupok ng apoy na naging dahilan ng pagkamatay ng tatlong bata.

Ang sunog ay naapula ng mga pamatay sunog ng Pasay City Fire Protection at ng Chinese volunteer dakong 2:50 kaninang madaling-araw.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply