3 holdaper nakipag-habulan sa parak: 1 timbog

SA tulong ng mga residente, naaresto ng mga pulis ang isa sa tatlong hinihinalang armadong holdaper sa Fairview, Quezon City, kaninang umaga, Marso 28.

Ayon sa report ng dzBB, tumakas ang tatlong suspek na dumaan sa Rose Street sa Fairview na armado ng baril.

“Nagluluto kami rito, may pista kami, dumaan sila may baril,” ayon sa isang babaing nakatira sa naturang lugar na hindi pinangalanan.

Ayon pa sa saksi, napag-alaman nilang nangholdap ang mga suspek sa kanilang lugar at nagtatago sa mga pulis.

Nabatid pa sa report na tumawag agad ng pulis ang mga residente sa pangambang mang-hostage ang mga suspek sa kanilang lugar.

Nagawa namang mahuli ng mga rumespundeng pulis ang isa sa mga suspek ngunit hindi pa pinangalanan sa kasalukuyan.

Pinaghahanap naman ngayon ang dalawa pang nakatakas na suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply