3 MILF ground commanders sinuspinde

SINUSPINDE na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tatlo nitong base commanders sa Basilan na nasangkot sa ambush as Al-Barka nitong nakaraang taon.

Inihayag ni MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar ang pagkakasuspinde ng tatlong ground commanders nang tatlong buwan na nagsimula noong Pebrero 19.

Sumasailalim rin ang mga ito sa pag-aaral ukol sa tamang disiplina at hindi muna nila maaaring pamunuan ang kanilang mga grupo, ayon pa kay Jaafar.

Isa sa kinumpirmang nasuspinde na MILF commander ay si Dan Laksaw Asnawi, deputy commander ng 114th base command.

Ang pagsuspinde ng MILF sa tatlo nilang ground commanders ay bilang pagtugon sa naging findings ng international monitoring team na may paglabag sa usapang pangkapayapaan ang MILF.

Magugunitang nagkaroon nang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde sa Al-Barka, Basilan na ikinasaw nang 19 na sundalo. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply