3 minaltratong OFW sa Dubai, makakauwi na

MAKAKAPILING na ng kani-kanilang mga mahal sa buhay ang tatlong Overseas Filipino Worker (OFWs) na pawang biktima ng pangmamaltrato ng kani-kanilang amo sa Dubai.

Nakatakdang bumalik ang mga OFW mamayang alas-tres ng hapon sakay ng Qatar Airways na kinilalang sina Garnet Ann Adriano, Mary-Ann Collado at Charmie Taban-ud.

Nabatid na personal na humingi ng tulong ang mga nasabing OFW kay Villar sa kanyang pagbisita sa POLO-OWWA (Philippine Overseas Labor Office) sa Dubai noong nakaraang Enero.

Si Adriano, 26, ay uuwing naka-wheelchair dahil sa “spinal fracture” matapos tumalon mula sa gusali ng kanyang pinagtatrabahuhan dahil ayaw siyang pauwiin ng among Pakistani.

Naospital siya sa Dubai noong Oktubre hanggang Disyembre 2011. Kinupkop ng POLO-OWWA pagkalabas  ng ospital.

Sina  Collado, 26 at Taban-ud, 24 ay pawang mga taga-Sultan Kudarat naman na kinasuhan ng kanilang mga amo sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

Sa tulong na rin ng ilang opisyal ng POLO-OWWA Dubai at  Sagip-OFW Helpline na pinamumunuan ni Senador Manuel “Manny” Villar ay agad na natugunan ang mga pangangailangan ng tatlong OFW kabilang na ang pagsagot sa kanilang pamasahe o air fare at konting tulong pinansyal.

Inamin ni Villar na  ilan lamang ang tatlo sa daan-daang OFW’s na humihingi ng saklolo sa labor offices sa ibang bansa tulad sa Dubai na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan para muling makabalik ng bansa at makapiling ang kani-kanilang mga pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply