3 miyembro ng “akyat-bahay” gang tepok sa parak

NASAWI ang tatlong hinihinalang miyembro ng “akyat-bahay” gang makaraang makipagbarilan sa mga pulis ng Sta. Rita, Pampanga.

Nabatid na nasawi sina Harold Garinga na taga-Negros Occidental at James Go na taga-Angeles City, Pampanga, at isa pang hindi nakilala makaraang makaengkuwentro ng mga ito ang mga pulis sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, pinatigil nila ang puting kotse para sa check point subalit pinaharurot pa ito ng mga suspek.

Narekober ang ilang baril at bala, sumbrero ng pulis at isang fatigue jacket.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply