3 miyembro ng Alih Drug Group natimbog

SWAK sa kulungan ang tatlong miyembro ng notorious Alih Drug Group na nagpapanggap bilang balot vendor matapos madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang entrapment operation nitong nakalipas na Linggo (Pebrero 27, 2012) sa D Navarro St., corner RT Lim Boulevard, San Jose Cawa-Cawa, Zamboanga City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., ang mga nadakip na suspek na sina Edna Siarot alias “Edna,” 42, may-asawa; Bernard Huelar alias “Bernie,” 34, may-asawa at isang 17-anyos na lalaki na itinago ang pangalan dahil menor de edad.

Ayon sa PDEA, nadakip ang mga suspek dakong 7:00 ng gabi ng mga ahente ng PDEA Regional Office 9 matapos na pagbilhan ang tatlo ng isang sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu sa agent/poseur-buyer kapalit ng halagang P500.

Narekober mula sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng maliit na plastic sachet na hinihinalang shabu.

“They (suspects) sell ‘balot’ at night to customers as a front to conceal their illegal transactions, but they also have customers who crave something other than balot. Our agents were able to expose their illegal drug trade and their connections which prompted PDEA to entrap these offenders,” ayon pa kay Gutierrez .

Kasalukuyang nakapiit ang tatlong dinakip sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong illegal drugs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply