3 miyembro ng robbery-hold-up group timbog sa engkwentro

TATLONG miyembro ng notoryus na robbery-hold-up group ang naaresto ng mga tauhan Sta. Rita Police and Public Safety Regional Unit matapos ang engkwentrong naganap sa Pampanga kahapon ng hapon (Marso 29).

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang engkwentro sa pagitang ng mga awtoridad at miyembro ng Quiambao robbery group dakong alas-4:00 ng hapon sa Barangay San Isdiro sa Sta. Rita, Pampanga.

Nagsasagawa umano ang mga elemento ng Sta. Rita Police and Public Safety Regional Unit ng checkpoint operations sa nasabing lugar nang maispatan ang isang Toyota Corolla Sedan na may plate number sa likuran na UCF-775 ngunit wala sa harapan.

Pinatigil ng mga awtoridad ang nasabing sasakyan ngunit imbes na huminto ay pinaputukan sila ng mga sakay ng kotse hanggang sa magkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig.

Nasugatan ang tatlong suspek habang wala namang nasugatan sa kampo ng mga awtoridad.

Ang mga sugatang suspek ay agad na dinala sa Diosdado Macapagal Hospital para magamot at mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad.

Bukod sa sasakyan, nakarekober ang mga awtoridad ng M16 rifle, isang caliber .38 pistol, isang improvised 12-gauge shotgun, apat na live ammunition para sa shotgun, isang bull cap ng PNP personnel at isang tropical jacket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply