3 NPA utas sa bakbakan sa North Cotabato

TATLONG rebelde ang kompirmadong patay makaraang makasagupa ng militar sa North Cotabato sa ulat ng pulisya ngayon.

Nabatid na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Charlie Company ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Batang, Tulunan, North Cotabato, nang makaengkwentro ang may 50 NPA.

Tumagal ng tatlong oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig bago umatras ang mga rebelde.

Walang nasugatan sa panig ng mga kawal, ngunit tatlong rebelde ang namatay na agad dinala ng mga rebelde sa kanilang pagtakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply