3 patay sa ambush sa N. Cotabato

NASAWI ang tatlo katao sa naganap na pananambang sa Pigcawayan, North Cotabato kagabi, Marso 1.

Nabatid na dakong alas-7:25 kagabi nang tambangan ang mga nasawi na sina Rolando Suarez, Leo John Collados at Miguel Eramis, pawang mga residente ng Barangay Villarica, Midsayap, Cotabato.

Lulan ang mga biktima sa isang single motorcycle Bajaj na kulay itim at walang plaka patungong Brgy Buricain para bisitahin ang kanilang mga kaibigan ngunit pagsapit sa Barangay Simsiman ay bigla na lamang silang tinambangan ng mga armadong kalalakihan gamit ang matataas na uri ng armas.

Agad na binawian ng buhay ang mga biktima pagkatapos magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan habang kaagad na tumakas ang mga salarin pagkatapos ng pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply